Near-death experience, naging inspirasyon sa paglikha ng nanalong entry sa ikatlong June weekly finals

by Radyo La Verdad | June 18, 2018 (Monday) | 2034

Pinahanga ng veteran composer na si Brando Juan ang madla sa kanyang entry na pinamagatang “Ama” sa weekly elimination ng A Song of Praise o ASOP TV kagabi.

Ito ang napili ng mga hurado na ikatlong weekly winner para sa buwan ng Hunyo.

Ngunit sa likod ng pagkakalikha ng napakagandang awit ay isang hindi malilimutang pangyayari sa buhay ni brando dahil sa sakit na diabetes.

2005 pa nang mangyari ito pero hanggang ngayon ay patuloy ang pagpapasalamat ni Brando sa isa pang pagkakataong mabuhay.

Para sa komposisyon ni Brando, balik ASOP naman ang interpreter na si Lucky Robles.

Ang entry na “Ama” ay pasok na sa June Monthly Finals na isasagawa sa susunod na linggo ay may pag-asang mapabilang sa grand finalists ng ASOP TV Year 7.

( Leslie Longboen / UNTV Correspondent )

Tags: , ,