Newly proclaimed Sen. Leila De Lima, ipinagdiwang ang pagkapanalo sa halalan kasama ang mga kapartido at kaibigan

by Radyo La Verdad | May 20, 2016 (Friday) | 982

JOYCE_DE-LIMA
Ngiting ngiti at masiglang masigla si Newly Proclaimed Senator Leila De Lima nang dumating sa kanyang victory party kagabi sa Quezon City.

Ang senadora, binati at kinongratulate ng lahat ng suporter na naroroon sa kanyang selebrasyon.

Kabilang sa mga panauhin ni De Lima kagabi ay sina Pangulong Benigno Aquino III, Presumptive Vice President Leni Robredo, DSWD Sec. Dinky Soliman, House Speaker Feliciano Belmonte, pati na rin ibang kongresista at mga pulitiko mula sa Partido Liberal.

Sa exclusive interview ni De Lima sa UNTV News, ibinahagi nito na ang kaligayahan na nadarama ngayong tapos na ang kanyang laban sa senatorial race.

Ayon din sa kanya, hinahanda na rin niya ang mga panukalang batas na may kaugnayan sa pagpapabuti ng criminal justice system at paglaban sa kurapsyon, na aniya magiging priority niya bilang senador.

Pero bago muna ang lahat, uunahin muna ng senadora ang pagpapasalamat sa lahat ng sumuporta sa kanya.

Hinarana nina Gerphil Flores at John Arcilla si De Lima at kanyang mga panauhin, at nang magtuloy tuloy na ang ligaya, napakanta na rin ang senadora.

Kahit si Pangulo Aquino at Sec. Dinky Soliman, sumali na rin sa kantahan.

Sa huli, nagbigay ng mensahe ng suporta si Pangulong Aquino kay Sen.De Lima.

(Joyce Balancio / UNTV Correspondent)

Tags: , ,