NFA Chief Jason Aquino, pinagbibitiw sa pwesto ng ilang senador

by Radyo La Verdad | March 1, 2018 (Thursday) | 4231

Kwestyonable pa rin para sa ilang senador ang nangyaring kakulangan sa buffer stocks ng bigas ng National Food Authority (NFA). Ito ay sa kabila ng ginawang pagpapaliwanag sa Senado ni NFA Administrator Jason Aquino.

Ayon kay Senator Grace Poe, panahon na upang maghanap na si Pangulong Rodrigo Duterte ng bagong mamumuno sa NFA.

Ilang amiyenda naman sa charter ng NFA ang isusulong ni Senate Committee on Agriculture chairperson Cynthia Villar, tulad na lamang ng tariffication system sa importasyon ng bigas.

Kung maisusulong ang panukalang ito, posibleng tanggalin sa NFA ang kapangyarihan na kontrolin ang importasyon ng bigas.

 

( Nel Maribojoc / UNTV Correspondent )

Share and Enjoy !

0Shares
0 0

Tags: , ,