NFA, muling aangkat ng 259k mt ng bigas

by Radyo La Verdad | September 6, 2018 (Thursday) | 979

Aangkat muli ang National Food Authority (NFA) ng 259k mt ng bigas.

Ayon kay Rebecca Olarte ng NFA Public Information Office, naaprubahan kahapon ng council ang panibagong batch ng aangkating bigas at posibleng bago matapos ang buwan ay magsagawa na ng bidding.

Mula sa pribadong sektor ang magiging kalahok sa bidding dahil government to private ang gagawing pag-aangkat. Inaasahang sa nobyembre makakarating sa bansa ang mahigit sa 5 milyong sako ang aangkating bigas.

Una nang umangkat ang NFA ng 500k mt ng bigas sa mga nakalipas na buwan.

Share and Enjoy !

0Shares
0 0

Tags: , ,