NFA, tiniyak na walang fake rice sa bansa

by Radyo La Verdad | August 6, 2015 (Thursday) | 863

NFA
Siniguro ng National Food Authority o NFA na walang fake rice sa bansa.

Batay ito sa lumabas na pagsusuri sa umano’y fake rice sa Davao city nitong nakalipas na buwan.

Ayon sa NFA, ang 25 gramo ng bigas na sinasabing fake rice ay nakontamina pala ng dibutyl phthalate o dbp na ginagamit sa paggawa ng flexible plastic.

Ang pinaghihinalaang fake rice ay sinuri ng Philrice, IRTM at FDA at napatunayang positibo sa D-N-A ng bigas.

Share and Enjoy !

0Shares
0 0

Tags: