NHA, namimigay ng libreng pabahay at lupa sa mga naulilang pamilya ng SAF 44

by Radyo La Verdad | May 25, 2015 (Monday) | 1947

ATTY CHITO CRUZ
Libreng pabahay at lupa ang handog ng National Housing Authority o NHA sa mga naulilang pamilya ng 44 na nasawing PNP-SAF Commandos.

Ito’y bilang karagdagang tulong sa mga pamilyang naiwan ng mga SAF Commandos sa Mamasapano encounter.

Ayon kay NHA General Manager Atty. Chito Cruz, ibinibigay nila ito depende sa pangangailangan ng mga naulilang pamilya.

Sinabi rin ni Cruz bukod sa pabahay ang iba sa mga kaanak ng SAF 44 ay lote ang hinihiling sa halip na bahay.

Ayon kay Cruz sa ngayon sampung pamilya na ang napagawaan ng bahay samantalang ang iba naman ay nabigyan na ng lote.

Sa susunod na buwan , mamimigay pa ang NHA ng sampu pang bahay o lote sa mga naulila ng SAF. (Darlene Basingan/UNTV News)

Tags: ,

Suspension order kay Purisima, nagtapos na ngayong araw

by dennis | June 4, 2015 (Thursday) | 4117

PURISIMABOI 031315

Natapos na ngayong araw ang suspensyon order na inilabas ng Ombudsman laban kay dating PNP chief Alan Purisima kaugnay ng kasong plunder.

Nilinaw naman ni PNP OIC P/Deputy Director General Leonardo Espina na hindi na ito makakabalik pa sa kanyang opisina si Purisima matapos itong magbitiw sa kanyang tungkulin.

Si Purisima ay nagbitiw bilang PNP chief noong Pebrero 2015 sa kasagsagan ng imbestigasyon sa pagkamatay ng 44 Special Action Force commandos sa Mamasapano, Maguindanao.

Tags: , , ,

More News