NIA Administrator Peter Laviña, nagbitiw na sa pwesto

by Radyo La Verdad | March 1, 2017 (Wednesday) | 1436


Nagbitiw na sa pwesto si National Irigation Administration Administrator Peter Laviña.

Kinumpirma niya ito sa kaniyang facebook post at ayon sa kaniya, may ilang nagtangkang sirain ang kaniyang reputasyon at ipinapakalat na tumatanggap umano siya ng salapi mula sa mga NIA contractor.

Aniya, upang hindi madawit si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga kontrobersyang ito, minabuti niyang umalis na lang sa kaniyang pwesto.

Dagdag pa nito, ipagpapatuloy niya ang kaniyang serbisyo publiko kahit wala na siya sa gobyerno.

Wala pang pormal na kumpirmasyon mula sa Office of the President kung tinanggap na ang resignation letter mula kay Laviña.

Si Laviña ang Presidential Campaign Spokesperson ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Tags: , , ,