Non-resident workers sa Boracay Island, umaasang makakatanggap ng tulong sa pamahalaan

by Radyo La Verdad | April 9, 2018 (Monday) | 1375

Umaapela sa pamahalaan ang mga manggagawang hindi residente sa Boracay Island na apektado ng pagsasara ng isla na sana ay matulungan din sila na huwag mawalan ng hanapbuhay.

Ito ay matapos na ihayag ng Department of the Interior and Local Government sa inilibas nitong draft guidelines sa 6 months Boracay closure na kasama sa paaalisin sa isla ang mga non-resident workers.

Ayon sa DILG aalamin nila ang mga legitimate workers na residente ng isla ngunit pinayuhan ang mga hindi residente na bumalik muna sa kanilang pinanggalingan habang inaayos ang isla.

Nasa 10,000 lang din ang work force na kakailanganin upang mapabilis ang rehabilitasyon.

Makakabawas din umano ang mga ito sa carrying capacity sa isla na nasa 30,000 lang.

Kumpara ito sa nasa mahigit 100,000 na araw-araw umanong tao na nasa isla.

 

(Lalaine Moreno / UNTV News Correspondent)