North Korean Leader Kim Jong Un, namasyal sa Singapore bago ang pulong kay President Trump

by Radyo La Verdad | June 12, 2018 (Tuesday) | 1945

Bago ang historic summit nina U.S. President Donald Trump at North Korean Leader Kim Jong, namasyal muna sa Singapore kagabi ang pinuno ng NoKor.

Taliwas ito sa paniniwala ng ilan na nanatili lamang sa kaniyang hotel si Kim matapos makipagpulong kay Singapore Prime Minister Lee Hsien Loong.

Sinamahan ito ng foreign minister ng Singapore na nakipagselfie pa sa North Korean leader.

Bantay sarado si Kim habang nag-iikot sa ilang lugar sa naturang island city-state.

Tags: , ,