Number coding scheme ng MMDA, suspendido mula April 12-14

by Radyo La Verdad | April 12, 2017 (Wednesday) | 2352


Suspendido ang ipinatutupad na number coding scheme ng Metropolitan Manila Development Authority o MMDA ngayong araw maliban sa Makati at Las Piñas City.

Ito ay upang bigyang daan ang mga motorista na bibiyahe papasok at palabas ng Metro Manila para sa mahabang bakasyon.

Ipatutupad din ito bukas hanggang sa Biyernes.

Samantala lifted din ang number coding sa mga provincial buses ngayong araw at sa Lunes, April 17.

Tags: , ,