Number coding scheme ng MMDA, suspendido simula Miyerkules hanggang Biyernes

by Radyo La Verdad | April 10, 2017 (Monday) | 1400


Suspendido ang ipinatutupad na number coding scheme ng Metropolitan Manila Development Authority o MMDA ngayong April 12, araw ng Miyerkules.

Ito ay upang bigyang daan ang mga motorista na uuwi sa mga lalawigan ngayong mahabang bakasyon.

Mananatiling suspendido ang naturang polisiya hanggang sa Biyernes, April 14.

Share and Enjoy !

0Shares
0 0 0

Tags: , , ,