Number coding scheme sa mga provincial buses, suspendido sa darating na long holiday

by Radyo La Verdad | March 14, 2016 (Monday) | 446

mmda-logo
Ipinahayag ng Metropolitan Manila Development Authority o MMDA na suspendido ang number coding scheme sa lahat ng mga provincial buses sa March twenty three.

Ito ay bilang paghahanda sa inaasahang pagdagsa ng mga pasaherong uuwi sa mga probinsya upang samantalahin ang mahabang bakasyon.

Samantala, nag-anunsyo rin ang Light Rail Transit Authority na walang byahe ang LRT Line one and two sa long holiday simula March twenty four hanggang twenty seven.

Balik sa normal naman ang operasyon nito sa March twenty eight, araw ng Lunes.

Tags: , , ,