Number coding, suspendido ngayong araw

by Radyo La Verdad | August 27, 2018 (Monday) | 2147

Sinuspinde ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang implementasyon ng number coding scheme sa Metro Manila ngayong araw, ika-27 ng Agosto.

Kaugnay ito ng pagdiriwang ng araw ng mga bayani.

Dahil dito, maaaring makapag-biyahe ang mga sasakyang may plaka o conduction sticker na nagtatapos sa 1 at 2.

 

Share and Enjoy !

0Shares
0 0 0

Tags: , ,