Ombudsman at iba pa, ipinapa-cite for contempt ni Makati Mayor Binay

by monaliza | March 19, 2015 (Thursday) | 860

OMBUDSMAN

Kabilang si Ombudsman Conchita Carpio-Morales sa mga kakasuhan ni Makati mayor Junjun Binay ng contempt of court.

Ayon sa alkalde, maghahain sila ng supplemental motion upang maisama si Morales sa kaso nang suwayin nito ang temporary restraining order (TRO) na ipinalabas ng Court of Appeals (CA) laban sa kanyang suspensyon.

Una nang ipinapa-cite for contempt ni Binay sina Interior and Local Government Secretary Mar Roxas, ilang opisyal ng Philippine National Police, at Makati Vice Mayor Romulo Peña.

Samantala, nakatakda naman dumulog sa kanyang abogado si Binay upang pag-aralan kung dapat maisama si Department of Justice Secretary Leila de Lima sa kanyang reklamo matapos nitong magbigay ng legal opinion kaugnay sa naging ruling ng CA.

Share and Enjoy !

0Shares
0 0

Tags: , , , , , , , ,