Ombudsman Graft Busters, pinatikim ng unang pagkatalo ang Senate Sentinels

by Radyo La Verdad | June 11, 2018 (Monday) | 619

Pinatikim ng unang pagkatalo ng Ombudsman Graft Busters and Senate Sentinels kahapon sa  score na 66-51. Dinomina ng Ombudsman ng lahat quarter sa pamamagitan ng mahigpit na depensa.

Tinanghal na best players of the game sina Director Nikkie Laure na may 26 points at 11 rebounds at si at Atty. Armando Sanchez Jr. na may 13 points 4 rebounds at 4 steals.

Nagpaputok ng 44 points kasama ang lima mula sa 3 point area si Special Assistant to the President Christober Bong Go upang buhatin ang Malacanan sa 105-79 win kontra GSIS Thunder Furies.

Dahil dito, tinanghal na best player of the game si SAP Bong Go. Nanatiling matatag sa unang pwesto ang PNP Responders matapos nitong ilista ang kanilang ikalimang sunod na panalo kontra DOJ Justice Boosters sa main game kahapon sa score na 90-59.

Nanguna sa Responders sina PSupt. Joel De Mesa na may 22 points,  5 rebounds at tig dalawang assist at steals at si PCSupt. Philip Philips Kumamad ng 18 points, 3 rebounds at tig isang assist at steal.

 

( Bernard Dadis / UNTV Correspondent )

Tags: , ,