Omicron surge sa Pilipinas, posibleng tumagal pa hanggang sa Marso – Octa Research Group

by Radyo La Verdad | January 14, 2022 (Friday) | 1140

METRO MANILA – Tatagal lamang hanggang katapusan ng Enero ang Omicron surge sa Pilipinas base sa unang projection ng Octa Research Team.

Pero dahil sa dami at bilis ng hawaan ng COVID-19 kahit mild lang ang sintomas ng mga nagkakasakit, maaaring tumagal pa ng 2 buwan ang surge.

“It’s possible we might see the peak but there might be a prolonged decline in cases we hope the decline will be rapid lik in South Africa pero if might be prolonged meaning tatagal pa ang pandemic, iyong wave na ito might last until February or even March even if we have the peak this week or next next week it will still last if the decline is not as slow as as what we hope it would be” ani Octa Research Fellow, Prof. Guido David.

Ayon sa grupo napakataas ng positivity rate sa Pilipinas kung saan umaabot ito ng 47.9% habang nasa mahigit 50% naman sa Metro Manila.

Ito ang dami ng nagpo- positibo sa COVID-19 sa mga sumailalim sa testing.

Bagaman nakakita ng pagbagal ng hawaan sa NCR dahil nasa 4.69 na lamang ang reproduction number.

Pumalo pa rin sa sa 20,000 COVID-19 cases ang naitala sa rehiyon kahapon (January 13).

Naitala rin ang pinakamataas na kaso sa bansa kahapon (January 13) na pumalo sa 34,021. 4,694 naman ang gumaling at 82 ang nasawi

Sa ngayon, umabot na sa 3,092,409 ang kabuoang kaso sa pilipinas kung saan 237,387 ang active cases

Ayon pa sa Octa, kailangan pa ring mapaigting pa ang testing upang lalong makita ang totoong bilang ng mga positibo sa COVID-19

Samantala, pinawi naman ng Octa Team ang mga kuro-kuro na posibleng matulad ang Pilipinas sa Europa na inaasahang 50% na ng populasyon ang maiinfect ng Omicron sa susunod na 6-8 linggo.

Ito ay dahil ipinapatupad pa rin ang pagsusuot ng face mask sa Pilipinas hanggang ngayon.

Paulit-ulit naman ang paalala ng health experts sa publiko na huwag nang lumabas ng bahay kung kinakailangan, mag-isolate agad kapag nakaranas ng sintomas, magpabakuna ang mga hindi pa bakunado at magpabooster naman ang mga 3 buwan nang fully vaccinated.

(Aiko Miguel | UNTV News)

Tags: