Omidyar Network, ipinagkaloob na ang PDRs sa Rappler managers

by Radyo La Verdad | February 28, 2018 (Wednesday) | 1571

Ipinagkaloob na ng Omidyar Network ang Philippine Depositary Receipts (PDRs) nito sa 14 na managers ng Rappler Incorporated at Rappler Holdings Corporation. Ito ang inanunsyo ng online news agency sa kanilang website.

Batay sa pahayag ng Omidyar sa conference call sa Rappler ngayong araw, ang donation ang mag-aalis sa nag-iisang batayan ng Securities and Exchange Commission (SEC) para kanselahin ang registration ng Rappler.

Ayon naman kay Securities and Exchange Commission chairperson Teresita Herbosa, pinag-aaralan pa nila ito dahil sa nakabinbing petisyon ng Rappler sa Court of Appeals.

 

Tags: , ,