One-way traffic scheme, ipatutupad sa Kennon Road ngayong long holiday

by monaliza | March 29, 2015 (Sunday) | 451
Photo credit: cityofpines.com

Photo credit: cityofpines.com

Magpapatupad ng one-way traffic scheme ang Department of Public Works and Highways sa Kennon Road ngayong long holiday para mapabilis ang biyahe papuntang Baguio City.

Ayon kay DPWH Secretary Rogelio Singson, inatasan nito si DPWH Cordillera Administrative Region (CAR) Director Edilberto Carrabacan na simulan sa Marso 31 ang experimental one-way traffic scheme paakyat ng Kennon Road.

Mag-uumpisa ang naturang traffic scheme sa Camp 1 Toll Gate sa Tuba paakyat ng Camp 7 Police Station (View Deck) sa Baguio.Hanggang sa Abril 3 tatagal ang traffic scheme.

Samantala, magkakaroon naman ng window hours ang ilang sasakyan para makababa sa Kennon Road ang mga nakatira sa mga apektadong lugar simula alas-11:00 ng umaga hanggang alas-12:00 ng tanghali at alas-5:00 ng hapon hanggang alas-6:00 ng gabi.

Tags: , , , ,