Nilinaw ni Sass Rogando Sasot sa Programang Get it Straight with Daniel Razon ang dahilan sa likod ng kumprontasyon nila ng BBC Journalist at Southeast Asia Correspondent Representative na si Jonathan Head noong ASEAN Summit.
Ayon sa naturang opinion columnist at Filipino blogger, nag-ugat ito sa umano’y perception na sila ay mga paid troll ng kasalukuyang administrasyon. Inihayag din nito na nagkaroon na sila dati pa ng sagutan ni head sa social media.
Lalo pa aniyang nadagdagan ang inis nito kay Head nang bigyan ng pagkakataon ng BBC ang nasa likod ng Anti-Duterte blog na si Jover Laurio na maglabas ng saloobin matapos nilang ilantad ang katauhan nito. Si Laurio ang nasa likod ng Pinoy Ako Blog.
Katwiran naman aniya ni Head, nag-alala lang sila sa kaligatasan ni Laurio dahil dumami ang kaniyang naging bashers matapos ang rebelasyon sa kaniya.
Ayon kay Sassot, inalok naman aniya siya ni Head ng pagkakataong makapaglabas din ng kaniyang panig sa kanilang network ngunit hanggang ngayon ay hindi naman ito nakikipag-ugnayan sa kaniya.
Tila nadismaya si Sasot sa mga mamamahayag na nakakita ng kanilang kumprontasyon na hindi man lang siya hiningian ng detalye o paglilinaw sa nangyari.
( Aiko Miguel / UNTV Correspondent )
Tags: BBC, Jonathan Head, Sass Rogando Sasot