Opisyal na pahayag ni Pangulong Aquino kaugnay ng magiging standard bearer ng administrasyon, hintayin ng publiko – Malacanang

by Radyo La Verdad | July 28, 2015 (Tuesday) | 3446

COLOMA
Huwag munang bigyan ng kahulugan ang ginawang pagpuri ni Pangulong Benigno Aquino the third kay Department of the Interior and Local Government Secretary Mar Roxas sa kaniyang State of the Nation Address kahapon.

Ayon kay Presidential Communication Secretary Herminio Coloma Junior mas mabuting hintayin na lamang ang anunsyo ng pangulo ukol sa kung sino ang ieendorso niya sa 2016 elections.

Bago ang araw ng SONA ng Pangulo, ilang beses ring pinulong ni Pangulong Aquino sina Senators Grace Poe, Chiz Escudero at Secretary Roxas.

Gaya nang una nang sinabi ni Pangulong Aquino, ihahayag niya ang tatayong standard bearer ng Liberal Party pagkatapos ng kaniyang huling SONA.

At posibleng ngayong linggo ay ianunsyo na ng Pangulo kung sino ang Presidential candidate ng administrasyon.

Tags: