Oso kasamang nakatira ng mag-asawa sa Russia

by Radyo La Verdad | May 31, 2016 (Tuesday) | 2094

stepan
Isang 23-taong gulang na oso ang kasamang nakatira ng mag-asawa na si Svetlana at Yuriy Panteleenko sa Moscow, Russia.

Tatlong buwan pa lamang ang osong si Stepan ng ampunin ng mag-asawang Pateleenko.

Ayon sa kanila, natagpuan ng mangangaso si Stepan sa gubat na nasa malubhang kalagayan, kaya nagdesisyon ang mga ito na kupkupin ang oso.

Pagkalipas ng dalawampu’t tatlong taon, ayon sa mag-asawang Panteleenko lumaki si Stepan na isang mapagmahal na oso.

Tumulong din ito sa gawain bahay tulad ng pagdidilig ng halaman.

Mahilig din itong manuod ng TV at makihalubilo sa ibang tao.

Umaarte rin si Stepan sa pelikula at hilig din nitong mag-pose sa mga photoshoots.

Ayon kay Mrs. Panteleenko, 25kg ng isda, gulay at itlog ang kinakain ni Stepan sa loob ng isang araw subalit napapanatili nito ang kanyang timbang dahil sa hilig nito sa football.

Inihayag pa ng mag-asawa na kahit kailan ay hindi pa sila kinagat ni Stepan.

(UNTV RADIO)

Tags: , , ,