Outgoing AFP Chief Eduardo Año, tiwalang nasa mabuting kamay ang AFP sa gagawing pamumuno ng kahalili

by Radyo La Verdad | October 27, 2017 (Friday) | 3522

Nagpahayag ng tiwala si AFP Chief of Staff Edurado Año sa kakayahan ng papalit sa kanya na si Lieutenant General Rey Leonardo Guerrero.

Ayon kay Año, nasa maayos na kalagayan ang iiwanan niyang pwesto sa pangangasiwa ni Guerrero at mayroon na siyang susundang plano sa paglaban sa lahat ng grupo na maaring maghasik ng gulo  sa bansa.

Hindi rin pinalampas ni Gen. Año ang pagkakataon para pasalamatan ang lahat ng tauhan ng AFP sa tulong na ibinigay sa kaniya sa panahon ng kaniyang pamumuno, lalo na sa pinakamalaking krisis na hinarap ng AFP, “Ang Marawi rebellion”.

Sinabi rin ng heneral na kung maaari ay nais niya munang magpahinga bago italaga sa DILG. At dahil sa one year ban bago maging DILG Secretary, kahit ano daw ang posisyong ibigay sa kanya ng Pangulo ay tatanggapin niya dahil nais niyang makatulong sa pamahalaan.

 

( Lea Ylagan / UNTV Correspondent )

 

 

Tags: , ,