P1.5M halaga ng hinihinalang shabu, nasabat sa isang drug suspect sa Maynila

by Radyo La Verdad | September 4, 2018 (Tuesday) | 1709

Arestado sa isinagawang buy bust operation ng Manila Police District sa Pureza Street, Corner Ramon Magsaysay, Boulevard kagabi si Sigair Mamarinta.

Nakuha sa suspek ang labing-isang sachet ng hinihinalang shabu na may bigat na dalawang daang gramo at tinatayang nagkakahalaga ng isa’t kalahating milyong piso. Tumanggi ang suspek na sabihin kung kanino siya kumukuha ng iligal na droga.

Samantala, nakakulong ngayon sa Calapan PDEA Office sa Oriental Mindoro ang isang barangay captain matapos mahulihan ng shabu sa buy bust operation sa loob mismo ng barangay hall nitong weekend.

Bukod sa iligal na droga na nagkakahalaga ng dalawang daang libong piso, nakumpiska din kay Barangay Chairman Jerry Ramirez ng Barangay Biga ang isang hindi lisensiyadong kalibre 45 na baril.

Ang mga naarestong suspek ay mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

 

( Victor Cosare / UNTV Correspondent )

 

Share and Enjoy !

0Shares
0 0

Tags: , ,