P1 taas pasahe sa jeep, ipatutupad na bukas

by Radyo La Verdad | February 9, 2017 (Thursday) | 1189


Ipatutupad na bukas ang pisong dagdag-presyo sa mga pampasaherong jeep.

Ayon sa advisory na inilabas ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB, ipatutupad ang fare hike sa National Capital Region, at sa Region 3 at 4.

Paalala naman ng ahensya sa mga jeepney operator, dapat na magpaskil ito sa kanilang mga sasakyan ng notice ng provisional fare increase sa bahaging makikita ng mga pasahero.

Tags: ,