P100 minimum wage hike dapat gawin sa 3 bahagi

by Radyo La Verdad | February 22, 2024 (Thursday) | 426

METRO MANILA – Magiging posible ang dagdag na P100 sahod ng mga manggagawa kung hahatiin sa 3 bahagi.

Ayon kay Atty. Joel Chua, pabor siyang itaas ang minimum wage ng mga manggagawa sa bansa pero maraming dapat na ikonsidera.

Dagdag pa ni Atty. Chua, ang P100 umento sa sahod ng Senado ay madaling sabihin ngunit mahirap maisakatuparan dahil kailangang balansehin ang interes ng lahat ng sektor.

Malaking tulong ito para sa mga manggagawa lalo na ngayong ang mga bilihin ay hindi pa din bumababa.

Tags: ,