P1M cash prize ng UNTV Cup Season 6 runner up Malacanang-PSC Kamao, ipinagkaloob na sa PCMC

by Radyo La Verdad | June 20, 2018 (Wednesday) | 1239

Pormal ng ipinagkalaoob ng Malacañang – Philippine Sports Commission Kamao sa pangunguna ni Special Assistant to the President Chirstopher “Bong” Go ang one million pesos cash prize na napalunan nila sa UNTV Cup Season 6 bilang runner up team noong Marso.

Hindi man nakuha ang kampyonato, masaya pa rin ang Kamao team dahil sulit ang kanilang pawis at pagod sa hardcourt ng liga ng mga public servant dahil ang tunay na panalo ay ang kanilang mga natutulungan.

Matapos ang pagkakalob ng cheke, isa-isa ring dinalaw at kinausap ni Secretary Bong Go ang mga magulang at mga batang cancer patient sa PCMC.

Labis din ang ligaya ng mga cancer patient dahil binigyan pa sila ng gift packs ni Sap Bong Go.

Sa ngayon, kasama rin sa UNTV Cup Off Season Executive Face Off ang Malacañang – PSC Kamao sa pangunguna ni SAP Bong Go at iba pang miyembro ng gabinete ni Pangulong Rodrigo Duterte.

 

( Bernard Dadis / UNTV Correspondent )

Tags: , ,