P29/kilo ng bigas, planong ibenta ng NIA sa Agosto

by Radyo La Verdad | May 8, 2024 (Wednesday) | 695

METRO MANILA – Aabot sa P29 per kilo ng bigas ang maaaring ibenta ng National Irrigation Administration (NIA) pagdating Agosto sa kadiwa centers ng ahensya.

Ayon kay NIA Administrator Eduardo Guillen, ibebenta ang bigas sa Metro Manila, Cebu at Davao.

Kada pamilya ay maaaring makabili ng hanggang 10 kilong bigas sa mga Kadiwa Center.

“Sa NIA naman mayroon din kaming project na malaki ngayon – iyong ating contract farming ano po and iyon, ganoon din ang ating ano. In fact, ang aming estimate diyan, mga nasa 29 pesos puwede na kaming magbenta, by August naman kami; and we have around 100 million kilos of rice na projected na ma-produce po natin by August.” ani National Irrigation Administration (NIA) Administrator Eduardo Guillen

Tags: , ,