P367-M pondo para sa senior citizens blu card program sa Makati, nawawala umano kada taon

by Radyo La Verdad | August 20, 2015 (Thursday) | 1857

MAKATI
Ipinagmamalaki ng lungsod ng Makati ang blu card para sa mga senior citizen

Anim na pung taong gulang pataas, rehistradong botante ng Makati at Bonafide Makati Resident ang kwalpikasyon upang magkaroon ng blu card

Kapag blue card holder ka, asahang may matatanggap na cash gift na P3,000 , birthday cake na P300, P1,500 para sa special groceries tuwing Disyembre, free maintenance medicines kada buwan na aabot sa P1,500 at libreng panonood ng sine na nasa 350 pesos.

Sa kabuoan aabot ng 11,750 pesos kada-taon ang benepisyo ng isang Senior Citizen sa Makati.

Bukod pa rito ang burial assistance na tatlong libong piso.

Batay sa record ng Makati Social Welfare and Development, may 68 thousand na senior citizen sa lungsod na nakatatanggap ng nasabing benepisyo na aabot sa 799 million pesos kada-taon ang inilalaang pondo.

Ngunit may natuklasan si Arthur Cruto ang head ng Makati Action Center at nanguna sa task force sa imbestigasyon sa dalawang pinakamaliit na barangay sa Makati sa District 1 sa Brgy Kasilawan at District 2 sa Brgy Pinagkaisahan.

Dagdag pa ni Cruto, nawawala ang 40 % pera kada taon o halos apat na raang milyon para sa Senior Citizen

Hindi naiwasang madismaya ng ilang lehitimong Senior Citizen sa Makati

Sa kasalukuyan ay nagpapatuloy pa rin ang audit at pag-aaral sa mga programa sa Makati.

Humarap rin ang kapatid ni Gerry Limlingan na si Victor Limlingan subalit itinanggi nitong alam nya kung nasaan ang kapatid at wala umano syang komunikasyon dito

Nanawagan naman si Senador Pimentel sa PNP, NBI at mamamayan na tumulong upang matunton si Limlingan

Nangako naman si Senador Antonio Trillanes na kung makikipagtulungan si Gerry Limlingan ay maari itong maging state witness at bigyan ng seguridad. ( Bryan de Paz / UNTV News)

Tags: , ,