P40-M halaga ng shabu, nasabat sa isang Taiwanese national sa Binondo, Maynila

by Radyo La Verdad | August 24, 2018 (Friday) | 2103

Nasabat ng mga tauhan ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang mahigit apatnapung milyong halaga ng shabu sa isang Taiwanese sa Binondo, Maynila.

Alas onse y medya kaninang umaga ay sinalakay ng mga tauhan ng NCRPO sa pangunguna ni Director Guillermo Eleazar ang kwarto ng isang hotel sa Mapua Street.

Inaresto ang Taiwanese national na kinilalang si Chong Chin Hao matapos makunan ng anim na kilo ng shabu at halos apat na raang pakete ng kemikal na hinihinalang sangkap sa paggawa ng iligal na droga.

Inihahanda na ng pulisya ang kaukulang kaso laban sa nahuling suspek.

 

Tags: , ,