P5-M halaga ng hand tractors at garbage bins, ipinagkaloob sa mga brgy sa Llanera, Nueva Ecija

by Radyo La Verdad | April 20, 2017 (Thursday) | 1760


Nagkaloob ng limang milyong halaga ng mga hand tractors at garbage bin ang lokal na pamahalaan ng Llanera sa dalamput dalawang barangay sa bayan.

Layon nitong maging mas madali para sa mga mamamayan ang pagpapanatili ng kalinisan sa mga nasasakupan ng mga ito na bahagi ng kanilang community improvement project.

Ayon kay Llanera Mayor Ronnie Pascual, donasyon ng mga non-governmental organizations at mga pribadong indibidwal ang mga ipinamigay na gamit.

Samantala, kasunod na target naman ng lokal na pamahalaan ng bayan ng Llanera na maisaayos ang mga farm to market road at iba pang imprastraktura sa lugar.

Ayon kay Mayor Pascual, nakabili na ng mga heavy equipment para sa proyekto.

Tags: , , , ,