P50K holiday bonus, ipagkakaloob sa mga empleyado ng tanggapan ng Pangulo

by Radyo La Verdad | December 4, 2018 (Tuesday) | 619

Inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na may matatanggap na limampung libong pisong halagang holiday bonus ang bawat tauhan sa ilalim ng kaniyang tanggapan.

Ginawa ng Pangulo ang pahayag kagabi sa Malacañang.

40 libong piso ang unang anunsyo ng punong ehekutibo subalit dahil sinumbatan umano siya ng kaniyang anak na si Davao City Mayor Inday Sara, kaya niya ito dinagdagan.

 

Tags: , ,