Paboritong panettone ng Italy, mas naging popular pa

by Radyo La Verdad | December 26, 2017 (Tuesday) | 4958

Tuwing Disyembre highlight ng pagdiriwang sa Italy ang tinatawag nilang Favorina Panettone, isang uri ng matamis at malambot na cake.

Tinawag ito na panettone mula sa panetto na ang ibig sabihin ay maliit na loaf ng tinapay. Ang suffix na “one”, kapag idinugtong ay binabago ang kahuluhan sa malaking loaf kaya panettone.

May hugis ito na isang copula at may laman na iba’t-ibang filling gaya ng creams, pasas at mga prutas.

Ang panattone ay katumbas ng fruitcake. Hindi ito nawawala sa hapag kainan ng mga pamilyang Italyano tuwing may pagdiriwang ng Disyembre.

 

( Edith Artates / UNTV Correspondent )

 

Tags: , ,