Pacquiao – Mayweather presscon, isinagawa sa Los Angeles, USA

by monaliza | March 12, 2015 (Thursday) | 3223
Photo credit: Reuters

Photo credit: Reuters

Isang red carpet press conference para sa labanang Manny Pacquiao at Floyd Mayweather Jr. na ginanap sa Nokia Theatre sa Los Angeles, California ngayong araw.

Ang mga legendary fight announcers na sina Michael Buffer ng HBO ang nagpakilala kay Pacquiao, at si Jimmy Lennon Jr. naman ng Showtime ang nag-welcome kay Mayweather Jr.

Nasa mahigit 1,000 international media ang dumagsa sa naturang event na ngayon lamang mangyayari sa kasaysayan ng boxing.

“This is a fight that the world can’t miss…i’m in the gym working right now, … Pushing myself to the limit because I never wanted to win a fight so bad in my life.” ayon kay Mayweather

“This is what you are waiting for since five years ago,the fight is on and we’re very excited … We will do our best on May 2 to make you happy.” ayon naman kay Pacquiao

Una rito, maaga pa ay dumating na sina Pacquiao at Mayweather na kapwa nakasuot ng coat and tie.

Ito ang tanging press conference na mangyayari at ang susunod na ay sa fight week nang binansagang “Fight of the Century.”

Bago pa magsimula ang pormal na press conference ay ipinapalabas ang “greatest fights” ng dalawang magkaribal sa 40ft screens.

Share and Enjoy !

0Shares
0 0

Tags: , , , , ,