Pacquiao: Rematch!

by dennis | May 4, 2015 (Monday) | 1230
Photo credit: Reuters

Photo credit: Reuters

Humirit ng rematch si People’s Champ Manny Pacquiao makaraang matalo kay Floyd Mayweather Jr.

Sa ginanap na press conference kaninang umaga (Linggo ng gabi sa Amerika), sinabi ni Pacman na nagtamo siya ng shoulder injury tatlong linggo bago ang laban kaya hindi niya maibigay ang 100 porsyento sa laban.

Hindi naman nito magawang ipagpaliban ang laban dahil matagal na itong inaabangan ng mga boxing fans at inaasahan naman ng kampo nito na mabibigyan siya ng anti-inflammatory shot para pansamantalang mawala ang kirot na nararamdaman nito.

Aprubado ng Anti-Doping Agency ng Amerika ang nasabing droga pero hindi sila pinayagan ng Nevada Athletics Commission na makagamit nito.

Tags: , ,