Pag- iimprenta ng mahigit 77- M balota, nakadepende sa Kongreso kung itutuloy ang Brgy. at SK polls sa Oktubre – Comelec

by Radyo La Verdad | June 27, 2017 (Tuesday) | 1481


Tuloy- tuloy ang ginagawang paghahanda ng Commission on Elections para sa nakatakdang Brgy at SK Elections sa Oktubre.

Nguni’t hindi pa rin nawawala ang agam-agam ang komisyon na maaring ma-ipagpaliban ang halalan ngayong taon.

Kaya naman bantulot sila kung itutuloy ang nakatakdang pag-iimprenta ng mahigit pitumpu’t pitong milyong balota sa susunod na buwan.

Bago pa sana simulan ito, umaasa silang madesisyunan na ng Konreso sa pagbabalik ng sesyon sa Hulyo kung itutuloy o hindi ang eleksyon.

Isang malaking hamon din sa Comelec na tapusin ang pag-imprenta at paghahanda ng mga balota sa loob lamang ng tatlong buwan bago ang October polls.

Kinakailangan pa nila itong isa-isang suriin kapag na-imprenta na bago ipadala sa iba’t-ibang lugar sa bansa.

Sa kasalukuyan ay umabot na sa 58 milyon ang bilang ng mga botante na nakapagparehistro sa Comelec.

(Aiko Miguel UNTV News Reporter)

Tags: ,

Leave a Reply