PAGASA, inaasahan ang extreme danger level ng heat index sa mga susunod na araw

by Radyo La Verdad | April 19, 2024 (Friday) | 4728

METRO MANILA – Inihayag ng state weather bureau PAGASA na maaaring makapagtala ng extreme danger level na heat index sa mga susunod na araw.

May posibilidad umanong patuloy na tumaas pa ang heat index hanggang sa buwan ng Mayo sa ilang lugar sa bansa kabilang na ang Cagayan Valley Area, Isabela, Ilocos region, maging sa Metro Manila at karatig na mga probinsya ng Batangas at Cavite.

Patuloy naman ang koordinasyon ng PAGASA sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno maging sa lokal na pamahalaan.

Tags: , ,