Pagbibigay ng 13th month pay ng mga empleyado, pinaaagahan ng DOLE

by Radyo La Verdad | November 8, 2023 (Wednesday) | 10434

METRO MANILA – Nakiusap ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa mga negosyante na maagang ibagay ang 13th month pay ng kanilang mga empleyado

Ayon kay Labor Secretary Bienvenido Laguesma, ito ay para maaga din makapaghanda ang mga empleyado sa darating na holiday.

Nagpaalala din si Laguesma sa mga employer na walang exemption ang pagbibigay ng 13th month pay.

Dagdag din ng kalihim, nauunawaan ng kagawaran ang kalagayan ng ilang kumpanya na nagre-recover pa sa epekto ng pandemya, subalit ang pagbibigay ng 13th month pay ay obligasyon aniya ng mga employer.

Sa ilalim ng batas, hindi dapat lumagpas sa December 24 ng kada taon ang pamimigay ng 13th month pay sa mga empleyado.

Tags: ,