Pagbisita sa kulungan sa bansa ipinagbabawal muna dahil sa banta ng COVID-19

by Erika Endraca | March 11, 2020 (Wednesday) | 3255

METRO MANILA – Sinuspinde muna ng 1 Linggo ang pagtanggap ng bisita sa mga kulungan sa bansa dahil sa banta ng Coronavirus Disease.

Ayon sa Bureau of Corrections (BUCOR) ang hakbang na ito ay upang hindi mahawa ng COVID-19 ang sinoman sa mga detainee.

Kabilang sa mga pasilidad na ipagbabawal muna sa bisita ay ang New Bilibid Prison sa Muntinlupa City, Correctional Institute For Women sa Mandaluyong City, Davao Prison and Penal Farm, Iwahig Prison and Penal Farm sa Palawan, San Ramon Prison and Penal Farm sa Zamboanga City, Sablayan Prison and Penal Farm sa Occidental Mindoro at Leyte Regional Prison

Samantala ipinagpaliban rin muna ng Civil Service Commission ang lahat ng pagkuha ng  eksaminasyon na nakatakda sana sa Linggo, March 15.

Tags: ,