Phase 1 ng Central Luzon Link Expressway, binuksan na sa mga motorista

by Erika Endraca | July 16, 2021 (Friday) | 602

METRO MANILA – Pinangunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbubukas ng 18km Tarlac Interchange sa Aliaga Section ng Central Luzon Link Expressway (CLLEX) Project (Phase 1) sa Tarlac City, Tarlac kahapon (July 15).

Tinatayang nasa 11,200 na mga motorista ang makikinabang sa pagbubukas ng nasabing proyekto.

Bababa rin sa 20 minuto Mula sa dating 70 minuto Ang travel time mula Tarlac City hanggang Cabanatuan City.

Samantala , binuksan din kahapon ang Tarlac, Rio Chico River Bridge Section at Aliaga-Gimbo Road sa Aliaga, Nueva Ecija.

(Kyle Nowel Ballad | La Verdad Correspondent)

Tags: ,