Pagbubukas ng klase, payapa ayon sa PNP

by Radyo La Verdad | August 30, 2023 (Wednesday) | 10359

METRO MANILA – Walang naitalang ano mang untoward incident ang Philippine National Police (PNP) sa pagbubukas ng klase sa mga public school nitong Martes August 29.

Ayon kay PNP Chief Police General Benjamin Acorda Junior payapa ang unang araw ng school opening.

Gayunman, patuloy aniya nilang babantayan ang bisinidad ng nga eskwelahan at ang mga crime prone area.

Nasa 45,000 pulis ang idineploy ng pulisya sa buong bansa sa pagsisimula ng klase kahapon (August 29).

Tags: ,