Pagbuwag sa NFA, magreresulta sa pagbaba ng presyo ng bigas – Sen. Gatchalian

by Radyo La Verdad | August 30, 2018 (Thursday) | 2783

Napapanahon na para kay Senator Sherwin Gatchalian na buwagin ang National Food Authority (NFA).

Ayon sa senador, sapat na ang tatlong dekada na ibinigay sa NFA upang gawin ang trabaho nito na magkaroon ng murang bigas sa merkado.

Ngunit bigo aniya ito dahil bukod sa mataas na presyo, may bukbok pa ang inangkat na bigas.

Ayon pa sa senador, bababa ang presyo ng bigas kapag binuwag ang NFA dahil ipapalit na dito ang rice tariffication.

 

Share and Enjoy !

0Shares
0 0

Tags: , ,