Pagkain ng kontaminadong itlog, sanhi ng pagkalason ng mga dumalo sa birthday party ni dating first lady Imelda Marcos – DOH

by Erika Endraca | July 10, 2019 (Wednesday) | 609

MANILA, Philippines – Nakalason sa 276 na dumalo sa birthday party ni dating first lady Imelda Marcos ang kontaminadong itlog noong nakaraang Miyerkules sa Pasig city.

Batay iyon sa inilabas na preliminary laboratory result ng Department of Health (DOH). Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, lumabas sa pagsusuri na may crack o sira ang mga itlog na niluto at inihanda sa naturang pagtitipon.

“So huwag po tayong kakain ng mga basag na mga itlog dahil hindi po natin masiguro kung ito po ay nakontamina.there was a bacterial growth, the preparation was rather poor and allowed the handling perhaps contributed to it.” ani Doh Secretary Francisco Duque  III.

(Aiko Miguel | Untv News)

Tags: , ,