Pagkasawi ng PSG member sa quarters nito sa Malakanyang, walang foul play – PSG

by Radyo La Verdad | September 27, 2017 (Wednesday) | 2679

Nasawi sa isang gunshot wound sa dibdib ang trenta’y siyete anyos na tauhan ng Presidential Security Group na si Major Harim Gonzaga habang nasa loob ng kaniyang quarters sa Malacañang Park kahapon ng umaga.

Kasalukuyan pang iniimbestigahan ng Scene of the Crime Operatives o SOCO ang dahilan ng pagkasawi nito.

Subalit ayon kay Presidential Security Group Commander Brigadier General Lope Dagoy, walang foul play at wala ring senyales ng struggle si Gonzaga.

Nakatalaga si Gonzaga sa operation section ng PSG, may dalawa siyang anak at kabilang din sa Presidential escorts ang kaniyang asawa. Ayon sa asawa nito, isa sa mga naging problema ni Gonzaga ang kaniyang workload.

Kinumpirma naman ng PSG na nasa Malakanyang na si Pangulong Rodrigo Duterte nang mangyari ang insidente at naabisuhan na rin siya hinggil dito.

Sa bahay pangarap tumutuloy ang Pangulo at malayo aniya ito sa pinangyarihan ng insidente.

 

( Rosalie Coz / UNTV Correspondent )

 

 

Share and Enjoy !

0Shares
0 0

Tags: , ,