Paglabas ng COA report laban kay Vice Pres. Jejomar Binay sa panahon ng kampanya, kinuwestyon ng UNA

by Radyo La Verdad | March 11, 2016 (Friday) | 18382

TOBY-TIANGCO
Dismayado ang kampo ni Vice President Jejomar Binay sa inalabas COA report ukol sa Makati City Hall Carpark Building 2.

Kinuwestiyon ni UNA President at Congressman Toby Tiangco ang tiyempo o timing ng paglalabas ng COA report.

Sinabi ni Tiangco na maaring mapanagot ang komisyon dahil sa paglabag sa COA resolution na nagbabawal na magsagawa ng special audit laban sa tumatakbong kandidato sa eleksiyon.

Ayon pa kay Tiangco, labingisang beses na dumaan sa regular audit ang proyekto kaya malinaw na binuo ang Special Audit Team upang siraan si Vice President Binay.

Dismayado rin ang abugado ni Mayor Junjun Binay na si Atty Claro Certeza.

Ayon kay Attorney Certeza kung may katotohanan ito, walang otoridad ang COA na sabihin kung sino ang guilty o nagkasala dahil ang mandato nito ay ang mag-audit lamang ng mga gastos ng pamahalaan.

Ayon naman kay Senator Antonio Trillanes resulta ito ng imbestigasyon ng Senate Blue Ribbon Sub-Committee na dapat ay magmulat na sa mga taong bayan.

Hinamon naman ni Senador Alan Peter Cayetano si VP Binay na harapin ang mga akusasyon sa kanya.

Dagdag pa ni Cayetano, walang maaring magpigil sa kapangyarihan ng COA na mag imbestiga.

(Bryan de Paz/UNTV NEWS)

Tags: , ,

VP Binay, nag-concede na

by Radyo La Verdad | May 13, 2016 (Friday) | 25464
File photo
File photo

Nagconcede na si Vice President Jejomar Binay kay presumptive President Rodrigo Duterte

Kinumpirma ito kagabi ni United Nationalist Alliance o UNA Communications Head Joey Salgado.

Ayon kay Salgado, nakipag usap si Vice President Binay kay Duterte upang ipa-abot ang kanyang pagbati.

Una nang nag-concede sina Senator Grace Poe na sinundan ni dating DILG Secretary Mar Roxas.

(UNTV RADIO)

Tags: ,

Ombudsman, sinabing may natatanggap na threat mula sa kampo nila Vice President Jejomar Binay

by Radyo La Verdad | March 16, 2016 (Wednesday) | 24267

OMBUDSMAN CONCHITA CARPIO MORALES
Inihayag ni Ombudsman Conchita Carpio Morales ang mga pagbabantang natatangap niya mula sa kampo ni Vice President Jejomar Binay.

Kamakailan lang ang sinampahan ng Ombudsman si dismissed Mayor Junjun Binay sa Sandiganbayan dahil sa umano’y overpriced construction ng Makati Parking Building II na umabot sa 2.28 billion pesos.

Patuloy pa rin aniya ang pagkalap nila ng mga ebidensya upang magamit sa kaso, katulad ng report ng Commission on Audit na hindi pa rin nakakarating sa kanyang opisina.

Nanindigan naman si Morales na hindi niya pinepressure ang COA upang ilabas ang audit report laban sa mga Binay.

Itinanggi naman ng presidente ng United Nationalist Alliance o UNA na si Toby Tiangco na pinagbantaan nila si Carpio Morales.

(Joyce Balancio / UNTV

Tags: , ,

Ombudsman, wala pa umanong kopya ng COA report laban sa mga Binay

by Radyo La Verdad | March 10, 2016 (Thursday) | 4836

OMBUDSMAN
Itinanggi ng Office of the Ombudsman na press relations consultant nito ang nagbigay sa media ng kopya ng Commission on Audit report tungkol sa ginastos sa pagtatayo ng Makati City hall parking two building.

Sinasabi na nakinabang ng husto sa konstruksiyon ng kontrobersyal na building si Vice President Jejomar Binay at anak nito na si Junjun na parehong naging mayor ng Makati city.

Samantala, hinihintay pa ng Ombudsman ang kopya ng COA report upang mapag-aralan muna bago magbigay ng pahayag.

Kahapon nag-leak sa media ang COA report na nagsasabing overpriced ang nagastos sa pagtatayo ng nasabing building.

Ang COA report na ito ang isa sa mga pangunahing ebidensyang gagamitin ng Ombudsman sa pagsasampa ng kaso laban sa mga Binay sa Sandiganbayan.

(Joyce Balancio / UNTV Correspondent)

Tags: , ,

More News