Paglilitis kay Ronnie Rickets, itinakda na

by Radyo La Verdad | November 26, 2015 (Thursday) | 996

joyce_rickets
Sa Pebrero ng susunod na taon sisimulan ang paglilitis kay Optical Media Board Chairman Ronnie Rickets at apat pang akusado sa kasong graft sa Sandiganbayan.

Sa isinagawang pre-trial ng fourth division ng anti-graft court ngayong araw, tinalakay na ang mga tetestigo at ilang documentary evidence sa hearing na itinakda sa February 15 at 16.

Nilabag umano nina Rickets ang section 3E ng anti-graft and corrupt practices act matapos na isauli ang mga nakumpiskang pirated dvds at vcds sa kukmpanyang sky high marketing corporation noong May 27,2010.

Inihahanda na sa ngayong ng magkabilang panig ang ipi-presintang ibedensiya sa isasagawang paglilitis.(Joyce Balancio/UNTV Correspondent)

Tags: ,