Pagluluwag sa Community Quarantine sa iba’t ibang lugar sa bansa, depende sa magiging resulta ng Covid-19 inoculation

by Erika Endraca | February 11, 2021 (Thursday) | 260

METRO MANILA – Inaasahang unti-unti nang bababa ang bilang ng mga nagkakaroon ng Covid-19 oras na magsimula ang vaccine rollout.

Subalit ayon sa Inter-Agency Task Force Against Covid-19, hindi basta-basta luluwagan ang community quarantine sa bansa at lalong pa hindi dapat mag-relax sa health quarantine,

“Kung magkaroon po ng massive rollout ng vaccination, bababa po yung maiinfect, bababa ang cases of infection so ganun pa rin ang titingnan natin, yun pa rin ang magiging basis, ang effect of the vaccination rollout, inaasahan ng mga bansa sa buong mundo, pag nag-rollout na po tayo ng vaccine, unti-unting bumaba nang bumababa ang kaso kasi nagkakaroon ng tinatawag na herd immunity within within communities” ani IATF Co-Chairperson / Cabinet Secretary Karlo Nograles.

Ayon kay IATF Co-Chairperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles, pag-aaralan muna ng pamahalaan ang sitwasyon matapos ang vaccine rollout.

Kung magbubunga ng magandang resulta ang mass inoculation, saka lamang iko-konsidera ng pamahalaan na luwagan ang mga umiiral na community quarantine.

“Ito ang inaasahan nating effect ng vaccination rollout, yung pag-flatten na ng curve. So sa pag-flatten na ng curve, dito na po natin makikita na magshi-shift na yung ibang localities from gcq to mgcq, from mgcq to new normal. ” ani IATF Co-Chairperson / Cabinet Secretary Karlo Nograles.

Ayon sa Duterte administration, mananatili ang pagpapatupad ng minimum health standards sa bansa tulad ng paghuhugas ng kamay, pagsusuot ng face mask at social distancing kahit may Covid-19 vaccines sa bansa.

Target ng pamahalaang mabakunahan ang 100% ng adult population sa bansa ngayong 2021.

(Rosalie Coz | UNTV News)

Share and Enjoy !

0Shares
0 0

Tags: