Pagpapaimbestiga ng Iceland sa war on drugs ng Duterte administration, kinundena ng Malacañang

by Radyo La Verdad | July 13, 2019 (Saturday) | 11603

MALACAÑANG, Philippines – One-sided, maigsi ang pananaw at partisan, ganito inilarawan ng Malacañang ang resolusyong inihain ng Iceland laban sa anti-drug war ng Duterte administration sa ika-41 United Nations Human Rights Council Session.

Kinukundena, tinututulan at kinukwestyon ito ng palasyo.

Ayon kay Presidential Sokesperson Salvador Panelo, hindi naman mayorya ng mga bansang miyembro ng UNHCR ang pumabor sa resolusyon at wala pa nga sa kalahati ang botong nakuha para dito.

Ibig sabihin aniya, mayorya ng mga miyembro ay ‘di kumbinsido sa resolusyong nananawagan sa United Nations Human Rights Council na imbestigahan ang umano’y extra-judicial killings sa bansa bunsod ng anti-drug war.

Dagdag pa ng Kalihim, ligaw ang 17 bansang pumabor sa Iceland na naligaw din umano ng false news ng mga biased media sa loob at labas ng bansa.

Nagpapakita aniya ang resolusyon kung paanong minamaliit ng western powers ang sovereignty ng bansa pagdating sa usapin ng kapakanan ng mga Pilipino laban sa iligal na droga.

Layon din aniya ng resolusyon na ipahiya ang Pilipinas sa international community gayunman din naman aniya nababahala ang Duterte administration sa naturang resolusyon at magpapatuloy pa ang maigting na kampaniya kontra iligal na droga.

Samantala, nang tanungin naman si Pangulong Duterte sa posibilidad na magtungo sa bansa ang UN Human Rights Council, dapat aniyang ihayag nito ang kanilang layon at pag-aaralan niya ito.

 “Let them state their purpose and i will review it. Kasi kung magdagdag lang sila sa intriga, they better go to the media and the media will tell them the truth. Eh ipalabas ninyo ‘yung footages ninyong lahat and all, and that will clear everybody,” ani Pangulong Rodrigo Duterte.

(Rosalie Coz | UNTV News)

Tags: , , ,

ICC, ibinasura ang apela ng PH gov’t na itigil ang drug war probe sa Pilipinas

by Radyo La Verdad | July 19, 2023 (Wednesday) | 12515

METRO MANILA – Hindi pinagbigyan ng International Criminal Court (ICC) appeals chamber ang hiling ng Pilipinas na huwag nang ituloy ang imbestigasyon sa war on drugs at ang isyu ng Davao death squad ng nakaraang Duterte administration.

Tatlong huwes ng ICC appeal chamber ang bumuto pabor at 2 naman ang dissenting o tutol.

Ayon pa sa ICC appeals chamber, hindi isyu ng hurisdiksyon ang naging basehan sa desisyon kundi walang mali sa naging desiyon ng kanilang pre-trial chamber na payagan ang prosecutor na ituloy ang imbestigasyon.

Kabilang sa mga dahilan o ground bakit gusto sana na pamahalaan na huwag ituloy ang pag-iimbestiga ng ICC ay dahil wala itong hurisdiksyon sa Pilipinas matapos tayong kumalas noong 2019.

Ayon naman sa grupong human rights watch, ang desisyon ng ICC judges ay susunod na hakbang para mga biktima ng war on drugs.

Dapat din aniyang patunayan ng Marcos administration ang commitment sa pagtataguyod ng human rights at makipagtulungan sa imbestigasyon.

Tags: ,

Sen. Go, natanong kung makatutulong sa PNP si Ex-Pres. Duterte bilang drug czar

by Radyo La Verdad | May 24, 2023 (Wednesday) | 11321

METRO MANILA – Natanong ni Senator Christopher Bong Go, kung makatutulong ba kung sakaling gawing Drug Czar si Dating Pangulong Rodrigo Duterte upang  masugpo ang pagkakasangkot ng mga pulis sa iligal na droga.

Natanong ito ng senador sa pagdinig ng Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs nitong Martes, sa P6.7 Billion drug haul na kinasangkutan ng ilang pulis.

Ayon kay Go, sayang naman ang war on drugs campaign ni Dating Pangulong Duterte, kung babalik ang paglaganap ng iligal na droga.

Para naman kay Philippine National Police (PNP) Chief Police General Benjamin Acorda. Jr., susuportahan niya ang anomang kampanya ng pamahalaan laban sa iligal na droga.

Tags: ,

Pilipinas, iaapela ang desisyon ng ICC sa imbestigasyon sa war on drugs

by Radyo La Verdad | February 10, 2023 (Friday) | 9174

METRO MANILA – Iaapela ng pamahalaan ng Pilipinas ang desisyon ng International Criminal Court (ICC) na muling ituloy ang imbestigasyon sa war on drus ng nagdaang administrasyon.

Sa 5 pahinang notice na ifinile ngayong Pebrero, sa pangunguna ni Solicitor General Menardo Guevarra, ipinahayag ng pamahalaan ng Pilipinas sa ICC appeals chamber ang pagnanais na i-apela  ang ruling.

Muli namang iginiit ng abogado ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na si Atty. Harry Roque na walang hurisdiksyon ang ICC sa Pilipinas at tanging sa domestic courts lamang nito haharapin ang anomang kasong isasampa laban sa kanya.

Tags: ,

More News