Pagpapalawig ng Hemodialysis Sessions Coverage, inaprubahan na ng PhilHealth

by Erika Endraca | November 17, 2020 (Tuesday) | 2347

METRO MANILA – Inaprubahan na ng PhilHealth Board of Directors ang pagpapalawig ng ‘continuing coverage of Hemodialysis sessions’ mula sa dating 90-session limit nito, na ngayon ay nasa hanggang 144 sessions na.

Inanunsyo ito ni PhilHealth President and CEO Atty. Dante Gierran sa kaniyang opisyal na pahayag kahapon (Nobyembre 16).

Dagdag pa niya, habang inahahanda pa ang guidelines ng pagpapatupad nito, inaatasan ang mga opisina ng PhilHealth sa mga rehiyon at mga pagamutan, na tanggapin muna sa ngayon ang mga nais magpa-Hemodialysis ng lampas sa 90-session limit, basta’t may kaukulang preskripsiyon mula sa isang lisensiyadong manggagamot.

Pinapayuhan din ang mga pasyenteng nakapagbayad na para sa kanilang Hemodialysis sessions na magpunta lamang sa pinakamalapit na opisina ng Philhealth upang mag-file ng kanilang claims.

(Raymund David | La Verdad Correspondent)

Tags: