Pagreresign umano ni PNP OIC Leonardo Espina, hindi pa kinukumpirma ng Malacañang

by dennis | April 16, 2015 (Thursday) | 4359
File photo

File photo

Hindi pa kinukumpirma ng Malacañang ang napapabalitang resignation ni PNP OIC Deputy Director General Leonardo Espina.

Ito ay batay sa text message na ipinadala ni Communications Secretary Herminio Coloma sa media na galing kay PNP spokesperson P/CSupt. Generoso Cerbo Jr.

Ayon sa text message, sinabi ni Cerbo na tanging si Espina lamang ang mismong makakapagconfirm kung talaga bang nagpasa na ito ng resignation kay Pangulong Aquino.

Dagdag pa ni Cerbo, wala pa umanong opisyal na record ang PNP kaugnay ng nasabing resignation.

“On the alleged resignation, last march pa daw yun and Gen. Espina handed it daw sa presidente. So on media queries relative to the same, I answered na si OIC Espina lang mismo ang makakapagconfirm nyan kung totoo man. I added that, officially, walang ganyan on record sa PNP.” ani Cerbo. (Jerico Albano/UNTV Radio Correspondent)

Tags: , , , ,