Pagsusumite ng SOCE ng lahat ng kumandidato sa Brgy. at SK elections, deadline na ngayong araw

by Radyo La Verdad | June 13, 2018 (Wednesday) | 3694

Madidiskwalipika ang sinomang nanalong kandidato sa Brgy. at SK elections kapag hindi nakapagsumite ng kanilang Statement of Contributions and Expenditures (SOCE) ngayong araw.

Ayon sa Commission on Elections (Comelec) deadline na ng pagsusumite nito ngayong araw at hindi na magkakaroon pa ng extension.

Nakasaad sa Section 14 ng RA 7166 o ang synchronized national and local elections na kailangang magsumite ng kanilang SOCE ang lahat ng mga kandidato sa loob ng tatlumpong araw pagkatapos ng halalan.

Nabigyan na aniya ng sapat na panahon ang mga kandidato nanalo man o natalo na magsumite ng kanilang SOCE.

 

 

 

Tags: , ,